Mas paiigtingin pa ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad sa “Batas Kasambahay” o Republic Act 10361 para mas mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kasambahay ng bansa.
Ayon kay DOLE Workers’ Welfare and Protection Cluster Undersecretary Benjo Santos Benavidez, ang naturang pagbabantay ay para matiyak na nakukuha ng mga kasambahay sa bansa ang kanilang maayos na sahod at mga benipisyo habang sila ay nagtatrabaho.
Kung maalala, ipinatupad ang batas na ito para sa mga kasambahay o mas kilala bilang Republic Act 10361 “Batas Kasambahay” na pinirmahan pa ni dating Pangulong NoyNoy Aquino noong January 18, 2013.
Samantala, sa taunang selebrasyon sa araw ng mga kasambahay ito naman ay nakasentro sa paglalapit ng mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga manggagawa ng bansa.