DOLE, may alok na P30,000 financial assistance sa returning OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic.

Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1 bilyong pondo para sa kanilang financial assistance sa returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa ilalim ng kanilang programang “Tabang OFW”, bibigyan ng one-time financial assistance ang returning OFWs.

Sa ilalim nito, P30,000 one-time financial assistance ang ibibigay sa anak ng OFW na nag-aaral sa kolehiyo.


Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, nasa trust fund account na ang DOLE ang P1 bilyong pondo para sa naturang programa.

Bawat aplikante aniya ay dadaan sa evaluation ng mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) regional offices bago i-endorso sa DOLE ang mga kuwalipikadong benepisyaryo.

32,000 ang benepisyaryong OFWs na mabibiyayaan sa ilalim ng Tabang OFW.

Nilinaw ng DOLE na ito ay para lamang sa mga OFW na may anak o dependent na nag-aaral o papasok sa kolehiyo para sa School Year 2020-2021.

Facebook Comments