DOLE, may paalala sa mga employers

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor andEmployment (DOLE) sa mga employers na sumunod sa tamang pagbabayad sa kanilangmga empleyado na papasok bukas “araw ng kagitingan”, na isang regular holiday.
  Base kasi sa nakasaad na pay rules ng DOLE, babayaran ng200 percent sa kaniyang regular na sahod kapag ang isang empleyado ay pumasokbukas sa loob ng walong oras.
  Magkakaroon ng karagdagang 30 percent sa kanilang hourlyholiday rate kapag sila ay nagtrabaho overtime at karagdagang 30 percent sakanilang daily rate kapag pumasok sila at nataon sa kanilang rest day.
  Pinaalalahanan din nila ang mga ito na kapag angempleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 percent ng kanyangsuweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang cost of living allowance.
 

Facebook Comments