Nagpapaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng mga paputok at pailaw na mahigpit na sumunod sa occupational safety and health standards (OSH).
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng Kapaskuhan lalo na’t mataas ang demand nito.
Kaugnay nito, inatasan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang lahat ng regional directors ng DOLE na makipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs) para subaybayan ang pagsunod ng mga establisimyento sa nasabing patakaran.
Hangad rin ng kalihim na maiwasan ang anumang aksidente lalo na ang insidente ng sunog kung saan posibleng madamay ang mga trabahador.
Pinagsusumite rin ni Laguesma ang mga regional director ng listahan ng mga establisimyento sa ilalim ng kanilang monitoring hanggang January 10, 2025.