DOLE, may panawagan sa mga pribadong employer partikular sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine

Nananawagan si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma sa mga employer na huwag sanang bawasan ang sweldo ng mga manggagawa na hindi nakapasok ngayong araw.

Partikular na umaapela ang kalihim sa mga employer na naaapekuhan ng pagbaha partikular sa Bicol region dahil sa Bagyong Kristine.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Sec. Laguesma na hindi naman mandatory ang kautusan na ito pero magkaroon saan ng konsiderasyon ang mga employer.


Aniya, bagama’t ang ibang kompanya ay kailangan ang mga tauhan, pakiusap lamang ng kalihim sa mga employer na bigyan ng pagkakataon ang mga tauhan lalo na ang hirap makapasok dahil sa baha.

Aminado naman si Sec. Laguesma na medyo mabigat ang kaniyang apela sa hanay ng mga employer pero bilang humanitarian consideration ay dapat pa ring bigyan ng sweldo ang mga trabahador na hindi makapapasok o nakapasok sa trabaho.

Facebook Comments