Lumagda ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tatlong memoranda of understanding (MOU) bilang “regalo” sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang tatlong memoranda ay magpapatibay sa deployment at reintegration efforts.
Pasasalamat aniya at utang na loob ito ng pamahalaan sa sakripisyo at pagsisikap ng lahat ng mga OFWs hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa bansa.
Unang nilagdaan ay sa pagitan ng Oveseas Workers Welfare Administration (OWWA) at National Housing Authority (NSA) para sa socialized at low-cost housing program para sa mga OFWs.
“Makakaasa ang ating OFWs ng abot-kaya at disenteng programang pabahay para sa kanilang mga pamilya,” sabi ni Bello.
Ang pangalawa ay sa pagitan ng OWWA at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), para sa pag-review ng kasalukuyang OWWA manual sa Culture Familiarization at Language Training para sa domestic workers na patungo ng Middle East.
“This review, with the help of the Commission on Muslim Filipinos, is essential to provide our household service workers with the knowledge and information that will help them cope with their new work environment, especially during their first few months of working abroad,” ani Bello.
At ang panghuli, ang pagkakaroon ng job vacancies mula sa Department of Transportation (DOTr).
“DOTr has signed an agreement with OWWA to provide a list of vacant positions and skills required of its contractors that OFWs can apply for. In short, returning OFWs can look forward to seeking possible employment or productive reintegration opportunities in the transportation industry,” sabi ni Bello.
Ikinagagalak ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade lalo na napakaraming trabaho ang naghihintay sa ilalim ng Build Build Build Program.