DOLE, muling nagpaalala sa mga employer sa deadline sa pagbibigay ng 13th month pay

Walong araw bago ang Pasko, muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa buong bansa sa pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat maibigay ang bonus ng mga empleyado nang hindi lalagpas sa December 24.

Sinabi ng kalihim na dapat ay kuwalipikado na sa 13th month pay ang lahat ng manggagawang nakapagtrabaho na ng isang buwan.


Isinusulong din ng DOLE ang pagkakaroon ng pare-parehong sahod ng mga kasambahay sa buong bansa na P6,000.

Ito ay hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsya.

Facebook Comments