
Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may kapangyarihan ang pribadong sektor na magsuspinde rin ng pasok sa kanilang opisina tuwing masama ang lagay ng panahon.
Sa bisa ng Labor Advisory No. 17 series of 2022 ng DOLE- Bureau of Working Conditions, nakasaad dito na maaaring pansamantalang ipatigil ng mga kompanya ang kanilang operasyon kapag mayroong weather disturbances o iba pang kahalintulad na kalamidad.
Pinaalalahanan din ng DOLE ang mga employer na pagdating naman sa sahod, iiral ang ‘no work, no pay policy’ kung sakaling bigong makapasok ang empleyado dahil sa masamang panahon o maaari namang gamitin ng manggagawa ang kanilang leave credits.
Giit ng DOLE, layunin ng hakbang na ito na protektahan ang kalusugan at seguridad ng bawat manggagawa tuwing may banta ng kalamidad.









