DOLE, nababahala sa pagtaas ng kaso ng child labor sa panahon ng pandemya

Nababahala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mapipilitan ang mga bata na magtrabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Maria Karen Trayvilla, isang negative coping mechanism ang child labor.

Sinabi pa ni Trayvilla, nagpapatuloy ang kanilang child labor prevention program maging ang profiling ng child laborers.


Aminado si Trayvilla na naantala ang profiling ngayong taon dahil sa quarantine restrictions subalit nagpapatuloy pa rin ang kanilang referral system.

Sa ngayon, ang DOLE ay nakapag-profile ng nasa 275,000 na bata na nasa ilalim ng child labor.

Target ng DOLE na mabawasan ang kaso ng child labor ng hanggang 30 porsyento o 630,000 sa 2022 mula sa tinatayang 2.1 million child laborers sa buong bansa noong 2017.

Facebook Comments