DOLE, NAG-ABISO SA PUBLIKO

CAUAYAN CITY – Inabisuhan ng Department of Labor and Employment ang publiko na huwag basta basta maniniwala sa mga pekeng post sa social media tungkol sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers Program o (TUPAD).

Ang naturang programa ay isang proyekto ng gobyerno para sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay, at ito ay pinapangasiwaan ng mga awtorisadong ahensya lamang.

Dumaraan ang mga benepisaryo sa profiling process para masigurong kwalipikado at residente ng lugar na pagdarausan ng proyekto.


Hindi rin awtorisado ang pagkuha ng impormasyon o pagrehistro sa mga hindi opisyal na online link.

Pinapayuhan ang publiko na i-report ang mga pekeng post sa social media para maiwasan ang panloloko.

Samantala, nakabatay naman ang sahod ng mga benepisyaryo sa kanilang trabaho at sa minimum wage ng rehiyon.

Facebook Comments