DOLE, nagbabala laban sa emergency employment scam

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko, laban sa scam na gumagamit sa emergency employment program ng ahensiya.

Ayon sa DOLE-National Capital Region (NCR), ginagamit ng naturang employment hiring scheme ang pangalan ng ahensya bilang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Sa nasabing scheme, ang mga naghahanap ng trabaho ay hinihiling na mag-aplay para sa programa, kung saan babayaran sila ng ₱800 kada araw.


Dahil dito, pinayuhan ng DOLE ang mga aplikante na magpadala ng direktang mensahe sa mga recruiter at agad na ireport ang scheme sa ahensiya.

Facebook Comments