Nagbabala ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa mga Bogus Electronic Solicitation.
Nabatid na may mga kumakalat na E-mail na sinasabing galing sa DOLE at humihingi ng perang donasyon.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, halatang peke ang mga sinasabing E-mail.
Ang E-mail ay natanggap din ng iba’t-ibang Regional Offices at Attached Agencies, na nanggaling umano sa DOLE Administrative Service.
Nakasaad sa E-mail na humihingi ang Labor Department ng Minimum Cash Donatio ng $100 para sa mga pasyente ng Leukemia at Orphans.
Payo ni Bello sa publiko, maging sa mga panuno ng DOLE Offices, Bureau, Attached Agencies, Regional Offices, at Philippine Overseas Labor Offices na agad i-report kapag nakatanggap ng ganitong scams.
Facebook Comments