DOLE, nagbabala laban sa mga nagbebenta ng pekeng national certificate ng TESDA

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi ibinibenta ang mga national certificate na ini-issue ng Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA).

Ito ay kasunod ng mga napaulat na may mga nagbebenta pa rin ng pekeng NC at driver’s license.

Partikular ang pagkaaaresto ng isang lalaking nagbebenta nito sa South Cotabato.


Paglilinaw ni TESDA Director General Secretary Suharto Mangundadatu, sa kanilang ahensya lamang magmumula ang mga national certificate para sa mga kwalipikadong indibidwal na nakapasa sa assessment ng TESDA.

Panawagan ng opisyal sa publiko na agad na isuplong sa mga awtoridad ang mga nagbebenta ng pekeng dokumento.

Facebook Comments