DOLE, nagbabala sa child labor exploitation

Apat na porsyento o 40,000 mula sa 1.4 million na kasambahay sa bansa ay mga batang may edad na mababa sa 18 taong gulang.

Ito ang lumabas sa October 2019 survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Criselda Sy, aabot sa isang porsyento o 5,000 ng child domestic workers ay nasa edad na 15-anyos pababa.


Lumalabas din sa datos na mayroong high incidence ng child domestic labor sa female sector na nasa 95.2% o 4,732 habang 4.8% o 237 ay mga lalaki.

Paalala ni DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Karina Perida-Trayvilla na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap sa mga menor de edad bilang domestic workers sa ilalim ng Kasambahay Law dahil malinaw na isa itong uri ng child labor at exploitation.

Ang mga kasambahay ay nasa kategoryang formal sector workers, kaya kailangan silang nakarehistro sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG at mayroong 24-hour o isang araw na rest period, maging annual days annual service incentive leave with pay.

Facebook Comments