Nagbabala ang Department of Labor and Employment sa mga kandidato na nagbabalak gamitin ang TUPAD program para sa pangangampanya.
Ito ay matapos sabihin ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na sinasamantala ng ilang aspirants ang TUPAD program para sa kanilang pansariling interes.
Ibinunyag ni Lacson na nire-require muna ng ilang pulitiko ang mga benepisyaryo ng TUPAD na lumahok sa caravans ng mga kandidato bago makakuha ng assistance.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakapag-usap na sila ni Lacson at nagpasalamat siya sa senador dahil sa abiso nito.
Sa kabila niyan, nilinaw ni Bello na maaari namang magrekomenda ang mga pulitiko ng mga benepisyaryo pero dadaan pa rin ito sa profiling.
Facebook Comments