DOLE, nagbabala sa publiko hinggil sa scam sa social media gamit ang pangalan ni Labor Sec. Bello

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa mga scam sa social media na gumagamit ng pangalan ni Labor Sec. Silvestre Bello lll.

Partikular ang pagso-solicit ng pondo para daw sa pagtakbo ng kalihim sa Senado sa darating na eleksyon.

Mayroon din anyang gumamit ng Facebook account na ang pangalan ay sa kalihim, at nag-solicit ng pondo pambili ng mga sako ng bigas partikular sa Quezon Province at Palawan.


Nagbanta naman ang kalihim na hahabulin nila ang mga nasa likod ng nasabing scam.

Facebook Comments