DOLE, nagbanta ng deployment ban sa Saudi Arabia

Nagbanta ang labor department ng posibleng pagpapatupad ng deployment ban ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Ito ay dahil sa hindi pa nababayarang claims ng mahigit 10,000 Pinoy workers.

Partikular ang OFWs na hindi pinasahod ng kanilang employers sa loob ng isa hanggang dalawang taon.


Aniya, mahigit 4 na taon nang naibaba ang desisyon na bayaran ang OFWs subalit hanggang ngayon ay wala pang nakakatanggap ng kompensasyon sa Pinoy workers.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, personal niyang irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia.

Facebook Comments