DOLE, nagbantang tatanggalan ng passport ang mga pinoy workers sa Libya na ayaw umuwi ng bansa

Sinisiguro ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mapapauwi nila ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa libya na ngayon ay itinaas na sa alert level 4 dahil sa nangyayaring civil war.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na dahil sa pagdeklara ng alert  level 4 sa Libya ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay kailangan na nilang kausapin ang mga OFWs roon.

Ipapatupad ng gobyerno ang force repatriation sa mga OFWs na ayaw pang lumikas at nagbabala rin ang kalihim na ipapakansela nila ang kanilang pasaporte sa DFA.


Kaya naman, mapipilitan ang mga filipino workers na umuwi sa ating bansa.

Facebook Comments