Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ng pribadong kumpanya kaugnay ng tamang pagpapasahod para sa Hunyo 12, araw ng Kalayaan.
Sa guidelines ng DOLE, dapat na makatanggap ang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang regular na sahod para sa unang walong oras ng kanilang pagtatrabaho bukas.
Base na rin ito sa proclamation no. 50 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara sa Independence Day bilang regular holiday.
May karagdagang 30 percent naman para sa overtime pay.
Kung hindi nakapasok sa trabaho, babayarin pa rin ang empleyado ng 100 percent ng kanyang regular na sahod para sa nasabing araw.
DZXL558
Facebook Comments