DOLE, nagbigay ng panuntunan sa mga kumpanyang sasali sa job fair ng gobyerno

Manila, Philippines – Naglatag ng panuntunan ang Department of Labor and Employment para sa lahat ng Employment Agency na lalahok sa mga nakatakdang Job Fair ng pamahalaan.

Sa Memorandum Circular No. 05 ng kagawaran, ang lahat ng Agency na nagnanais lumahok sa Job Fair na inaprobahan ng DOLE ay inaatasan na kumuha ng Job Fair Authority o JFA o permiso bago sila makasali.

Maaaring isumite ang aplikasyon para sa JFA sa POEA Central Office, Regional Offices, o sa alinmang Regional Extension Unit o REU kung saang lugar gaganaping ang Job Fair.


Kailangang ding maghain ng Letter Of Intent ang paglahok sa Job Fair, kalakip ang kopya ng invitation letter mula sa nag-organisa o nag-sponsor, DOLE permit/clearance, at listahan ng Accredited Principal/approved Job Order/Manpower request na may Job Order balance para sa land-based agencies.

Para naman sa Sea-Based Agencies, kailangan ding magsumite ng accreditation certificate at pagpapahayag na inaaako ng Agency ang responsibilidad sa anumang gawain ng kanilang kinatawang opisyal at empleyado, o Employer o ng kanilang awtorisadong kinatawan.

Paliwanag ni Labor Undersecretary at POEA Officer-In-Charge Bernard Olalia, layon nito na matiyak na lahat ng agency na sumasali sa Job Fairs ng DOLE ay lehitimo , may tamang dokumento at lisensiya.

Facebook Comments