Naghahanap na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga alternatibong markets para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi na niya ikinagulat kung ang bilang ng mga OFWs na nire-repatriate pabalik ng Pilipinas ay tumaas.
Nasa 205,000 OFWs na ang napauwi sa bansa mula nitong Mayo.
Ang paghahanap ng alternative work placement para sa mga OFWs ay hindi mahirap lalo na ang mga Pilipino ang gusto ng karamihan ng mga employers abroad tulad ng Bahrain.
Ang Taiwan ay bumuo ng panibagong bilateral labor agreement habang may lalagdaang bilateral agreement sa Yukon Province sa Canada.
Ang mga eastern European countries ay gusto ring pumasok sa isang bilateral labor agreement sa Pilipinas.
Mayroon ding demand para sa ating medical frontliners abroad.
Tiniyak ng DOLE na hindi idedeploy ang mga Filipino workers sa mga lugar na may mataas pa ring contamination ng COVID-19.