DOLE, naghahanda na sa posibleng epekto sa labor sector kung sakaling i-ban ang POGO sa bansa

Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng maging epekto sa labor sector kung sakaling i-ban ang POGO sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na nagsagawa na sila ng profiling sa mga posibleng maaapektuhan na manggagawa sa NCR kung saan nakasentro ang karamihan sa mga POGO, gayundin sa Regions 3, 7 at 4A.

Kabilang sa profiling ay ang kakayahan ng POGO workers para mahanapan aniya ang angkop na mapapasukan.


May mga inilunsad din silang job fair at retraining para magkaroon ng opsyon ang mga manggagawa.

Kung nais ding magnegosyo ng mga ito, ay handang magbigay ng suporta ang DOLE sa pamamagitan ng mga livelihood programs.

Bagama’t hindi pa naman tiyak kung ititigil ang operasyon ng POGO sa bansa, ay gumagawa na aniya ng hakbang ang ahensya para hindi naman magkabiglaan at magkumahog sa paghahanap ng trabaho ang mga maapektuhang manggagawa.

Facebook Comments