DOLE, nagkakasa ng pagbabakuna sa mga papaalis na OFW

Ikinakasa ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapabakuna sa 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakda nang magbiyahe patungo sa ibang bansa.

Isinasagawa ang pagbabakuna sa mismong tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Manila.

Katuwang ng DOLE sa nasabing aktibidad ang Manila Health Department kung saan AstraZeneca vaccine ang gagamitin na donasyon pa ng pamahalaan ng Brunei.


First come, first serve ang sistema ng pagbabakuna, o kung sino ang unang dumating ay unang mababakunahan pero may ilang grupo ng OFWs dito ang hindi na tumuloy o umalis sa pila matapos malaman na AstraZeneca vaccine ang gagamitin.

Ayon sa mga hindi na nagpakilalang mga OFWs, inabisuhan sila ng kanilang agency na Pfizer vaccine dapat ang iturok sa kanila para makapunta ng Saudi Arabia.

Ipinaliwanag naman sa kanila ng mga tauhan ng DOLE na tinatanggap naman sa nasabing bansa ang AstraZeneca vaccine kaya’t wala dapat sila ipangamba pero hindi pa rin tumuloy ang nasa 20 OFWs.

Sa buwan naman ng Enero ang second dose vacciantion ng mga nasabing papaalis na OFWs at kung makaalis man sila bago matapos ang taon, maaari naman daw silang magpabakuna kung saan bansa sila tutungo.

Facebook Comments