DOLE, nagkasa ng cleaning drive sa Dolomite Beach

47

Nagsagawa ng cleaning drive ang mga opisyal at empleyado ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito’y bilang bahagi ng kanilang 88th founding anniversary.

Nasa higit 100 tauhan ng DOLE mula sa iba’t-ibang departamento at regional offices nito ang nagtutulong-tulong upang malinis ang mga basurang natangay mula sa Manila Bay.


Ang iba sa kanilang ay dinadampot pa ang mga basura upang hindi masama ang mga artificial na buhangin.

Todo higpit naman sa seguridad ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil may ilang indibidwal ang nagtutungo dito sa pag-aakalang bukas na muli sa publiko ang Dolomite beach lalo na’t holiday ngayong araw.

Bukod sa cleaning drive, ikakasa rin ngayong araw ang Nationwide Job Fair na bilang bahagi ng aktibidad sa anibersaryo ng DOLE.



Facebook Comments