DOLE, naglaan na ng pondong tulong para sa mga manggagawang maapektuhan sa kautusang nagre-regulate ng kontraktwalisasyon sa bansa

Manila, Philippines – Naglaan ng pondo ang Department of Labor and
Employment (DOLE) bilang pansamantalang tulong sa mga manggagawang maaring
mawalan ng trabaho bunsod ng magiging resulta ng pagpapatupad ng Department
Order 174 o kautusang nagre-regulate ng kontraktwalisasyon.

Ayon kay Labor UnderSecretary Dominador Say – na pangunahing interbensyon
ay ang pagbibigay ng pagsasanay o pag upgrade ng kasanayan at pagpapahusay
ng employability ng mga manggagawa.

Pagkakalooban ng allowance ang mga sasailalim sa pagsasanay sa panahon ng
training na magtatagal sa loob ng tatlong buwan.


Inaasahan ng DOLE na maaring tumaas ang bilang nga mga manggagawa na
mawalan ng trabaho sa sandaling hindi na makapag-renew ng kontrata ang mga
fly-by-night na service contractors na nagpapairal ng kontraktwalisasyon.

Facebook Comments