DOLE, naglaan ng ₱200-M na pondo para sa mga manggagawang apektado ng Bagyong Egay sa Northern Luzon

Naglaan ng inisyal na P200 milyon na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa sa Northern Luzon na nasalanta ng Bagyong Egay.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, magkaroon ng temporary emergency employment o tulong na trabaho para sa mga empleyadong apektado ng kalamidad.

Sa ilalim ng emergency employment program, ang mga displaced workers ay magtatrabaho ng 10 hanggang 30 araw.


Babayaran ang mga manggagawa base sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.

Ang mga regional offices sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley ang magbibigay ng kinakailangang tulong.

Nilinaw naman ni Laguesma na ang inilaang halaga ay inisyal pa lamang at maaari pang mabago depende sa matutukoy na benispisyaryo at availability ng pondo.

Maaari rin aniyang magkaroon ng pagtaas sa budget, kung sakaling kailanganin, pagkatapos ng profiling ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments