Manila, Philippines – Naglaan ng sampung milyong piso ang Department of Labor and Employment (DOLE) para ayudahan ang nasa 3,000 manggagawang naapektuhan ng bagyong Usman.
Ayon sa DOLE – gagamitin ang pondo para magbigay ng mga short-term income ang mga manggagawa na karamihan ay mga magsasaka.
Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) program, ang mga benepisyaryo ay isasailalim sa 10-day community work kung saan sila tatanggap ng P305 na arawang sweldo.
Samantala, tatanggap naman ng P3,000 financial assistance mula sa OWWA ang mga pamilya ng mga active Overseas Filipino Workers habang P1,500 sa pamilya ng mga inactive OFWs.
Pagkakalooban din ng mga skills training, livelihood assistance at provision of grants and loans ang mga displaced worker.
Nagpapatuloy naman ang profiling ng mga displaced workers sa mga lugar na prayoridad gaya ng Sagñay, Camarines Sur at Tiwi, Albay.