DOLE, naglabas ng bagong panuntunan sa workplace at public transportation

Para mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19, muling naglabas ng bagong guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa paglalagay ng tamang bentilasyon sa mga lugar ng paggawa o workplace at sa public transportation.

Mahigpit ang paalala ng DOLE, lalo sa mga workplace at public transportation na matiyak ang pagdaloy ng maayos na hangin gaya ng paglalagay ng mga exhaust fan sa mga indoor workplace, restroom at water closet.

Ayon sa DOLE, kung may maayos na bentilasyon sa mga gusali ay mababawasan ang risks ng exposure sa hangin na maaaring kontaminado ng virus.


Para naman sa non-airconditioned spaces, nakasaad sa guidelines ang pag-maximize sa natural ventilation sa pamamagitan ng mga pintuan o bintana.

Maging ang mga restroom at water closet dapat anila ay may exhaust fan.

Sakop ng guidelines ang lahat ng commercial at industrial establishments, projects, sites at iba pang lugar maliban sa health facilities.

Facebook Comments