Naglabas na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa magiging bayad ng mga empleyadong papasok sa darating na Eid’l Adha na isang regular holiday.
Sa ilalim ng Labor Advisory number 8 noong June 7, 2024, makakatanggap ng 200% sa kanilang arawang sahod ang mga empleyadong magta-trabaho sa Lunes, June 17 sa loob ng walong oras.
Habang 100% naman para sa mga hindi papasok o kung mag le-leave sa trabaho.
Makakatanggap namang ng additional 30% ang mga empleyadong lagpas na sa walong (8) oras ang trabaho.
Idineklarang regular holiday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang June 17 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ng mga kapatid nating Muslim.
Facebook Comments