Naglabas ng paalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa dapat pairaling pay rules bukas, Mayo 13, kaugnay ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng Ramadan na regular holiday.
Kung sa araw na ito ay hindi papasok ang isang empleyado, siya ay dapat pa ring tumanggap ng 100% ng kanyang sahod.
Kung pumasok naman sa trabaho, dapat siyang tumanggap ng 200% ng kanyang sahod sa unang 8 oras at karagdagang 30% ng kanyang hourly rate kung lalagpas sa 8 oras ang kanyang trabaho.
Kung natapat naman na day off at pumasok pa rin sa trabaho ang isang empleyado, siya ay tatanggap ng karagdagang 30% ng kanyang basic wage.
Kung lalagpas naman sa 8 oras ang kanyang trabaho dapat siyang tumanggap ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate.