Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga pribadong sektor sa tamang pagpapasahod ngayong araw na ito ng holiday bilang paggunita sa Eid´l Fitr at sa June 12 , Independence day.
Ayon sa DOLE, Double pay ang dapat na matatanggap na sahod ng mga pangagawang papasok sa trabaho ngayon.
Dapat ding makatanggap ng 100 percent na sahod ang mga manggagawang hindi papasok sa trabaho ngayon gayundin ang kanilang Cost of Leaving Allowance o COLA.
Kapag ang isang empleyado naman at mag-o-overtime pa ngayong araw at sa June 12, dapat ay may karagdagang 30 percent na bayad sa kanilang hourly rate.
Iba rin ang bayad sakaling matapat pa sa day-off o rest day ng manggagawa ang holiday dahil magkakaroon pa sila ng karagdagang 30 percent sa basic pay.
Batay sa proclamation ng Pangulong Duterte, regular holiday ang June 5 para sa Feast of Ramadan at June 12 bilang Independence day.