Nagbigay abiso si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na dapat sumunod ang mga employers sa pay rules sa darating na holiday o sa Independence Day.
Makakatanggap ng double pay o 200 percent ng sahod ang mga pribadong sektor ng mangagawa na magtatrabaho sa June 12 o sa Araw ng Kalayaan.
Sa mga magtatrabaho sa darating na holiday, mababayaran ito ng 200 percent sa basic wage sa loob ng walong oras.
Makakatanggap namang additional 30 percent kapag lumampas ng walong oras sa pagtatrabaho ang empleyado.
Ginugunita ang Araw ng Kalayaan sa ika-12 ng Hunyo.
Sa ngayon, ipinagdiriwang ang ika-126th Independence Day sa bansa.
Facebook Comments