DOLE, Nagpaalala para sa karagdagang sahod ngayong Regular at Special Non Working Holidays!

*Cauayan City, Isabela-* Makakatanggap ng karagdagang sahod ang sinumang manggagawa ng pribadong sektor na pumasok sa trabaho sa Regular and Special Non Working Holidays.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay DOLE Regional Director Atty. Sarah Mirasol, kanyang ipinaliwanag na kung pumasok man ang isang manggagawa ng pribadong sektor ay mayroon itong karagdagang pasahod ayon sa kanilang advisory.

Sa Special Non Working Holidays gaya ng Disyembre 24 at 31 kung pumasok ang isang manggagawa ng pribadong sektor ay tatamasa ito ng 130 porsyiento sa kanyang batayang sahod.


Samantalang sa Regular Holidays gaya ng Disyembre 25 at 30 kung pumasok ang isang manggagawa ay tatamasa ito ng 200 porsyiento mula sa kanyang sahod at kung hindi man pumasok ay bayad pa rin ito ng isang araw.

Kapag nagovertime naman ay may karagdagang 30 porsiyento sa kabuuan ng kanyang sahod.

Paalala pa ni Atty. Mirasol na kung may suliranin ang mga manggagawa ay dumulog lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE at kanyang tiniyak na agaran itong tutugunan ng kanilang tanggapan.

Facebook Comments