DOLE, nagpaalala sa dagdag-pasahod sa mga papasok sa December 31 o bisperas ng Bagong Taon

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer, na deklaradong special non-working day ang December 31, araw ng Linggo.

Ayon kay Labor Secretary Buenvenido Laguesma, dapat ibigay ang dagdag na 30% sa mga papasok sa trabaho sa bisperas ng bagong taon.

Ito’y para sa walong oras na trabaho at 30% para sa overtime at kung rest day mo naman at kailangang pumasok sa December 31 may dagdag na 50% sa basic pay at 30% sa overtime.


Nilinaw naman ng DOLE, na iiral din ang ‘no work, no pay’ sa December 31 maliban na lang sa patakaran ng mga kompanya.

Samantala, ang December 30, Rizal Day, na papatk ng Sabado ay isang regular holiday kung saan double pay ang ibabayad sa mga manggagawa.

Facebook Comments