Pinaalalahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na dapat ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado hanggang December 25.
Sinabi ni Labor and Employment Assistant Sec. Dominique Tutay na ang 13th month pay na dapat matanggap ng isang empleyado ay katumbas ng isang buwang sweldo kung nakakumpleto ng isang taon na pagtatrabaho.
Nilinaw rin ng opisyal na magkaiba ang 13th month pay at Christmas bonus.
Hindi naman aniya obligadong magbigay ng Christmas bonus ang mga employer dahil ito ay isang uri lamang ng pasasalamat sa mga empleyado lalo na kung maganda ang naging income ng kompanya.
Sakaling mabigo naman ang mga employer na magbigay ng 13th month pay ay maaaring magsumbong sa DOLE ang mga empleyado.
Facebook Comments