DOLE, nagpaalala sa pay rules sa Nat’l Heroes Day

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga private employers na sumunod sa holiday pay rules ngayong araw.

Para sa mga empleyadong pumasok ngayong araw, dapat silang bayaran ng employers ng 200% ng kanilang sweldo sa unang walong oras ng trabaho.

Dagdag na 30 percent kada oras naman para sa mga manggagawang may overtime.


Madadagdagan naman ng 30% sa 200% daily rate kung ang empleyado ay nagtrabaho kahit rest day.

Sa mga manggagawa naman na hindi nagtrabaho ngayong araw, makatatanggap pa rin sila ng 100% ng kanyang sahod.

Facebook Comments