DOLE, nagpalabas ng bagong guidelines sa mga batang nagtatrabaho sa entertainment industry

Manila, Philippines – Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong panuntunan sa pagbibigay work permits para sa mga minors na nagtatrabaho sa public entertainment.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9231, ang mga bata na may edad na 15 anyos pababa ay hindi pinapayagang magtrabaho sa pampubliko at pribadong establisemento maliban nalamang kung gagabayan sila ng kanilang mga magulang o kaya kakailangan ang kanilang presensiya at sa lahat ng mga exceptions, ang employer, parent o guardian ay kumuha muna ng working child permit mula DOLE bago ang serbisyo ng bata.

Base sa Department Circular No. 2, ang Working Child Permit ay kailangan lamang kung ang bata ay magtatrabaho sa public entertainment or information, maging ito man ay sa local o kaya sa overseas, anuman ang papel ng bata sa naturang project.


Paliwanag ng DOLE, kailangan din ng working permit kung ang bata ay i-featured sa documentary materials maliban nalamang kung may kaugnayan sa kanilang school- project; at siya ay kasama bilang regular extra na nakapaloob sa script o storyboard at kailangan din ng permit kung ang bata ay isang dayuhan na kasama sa public entertainment sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 9231, nililimitahan na ang mga bata na magtrabaho ng mahigit sa apat na oras at mahigit 20 hours a week at di pinapayagan magtrabaho sa pagitan ng alas 8 ng gabi at alas 6 ng umaga sa susunod na araw.

Facebook Comments