Nilinaw ng pamunuan ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) ang isyu hinggil sa no vaccine, no work pay’ sa mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay sakop lang nito ang mga specific na mga negosyo kundi ito’y exemption lang kung saan mayroon panuntunan na hindi mo maaaring pilitin ang iyong manggagawa o sinuman kung ayaw magpabakuna pero sa IATF Resolution kasi partikular na sa mga lugar na nasa Alert Level 3 ay pinapayagan ng mag-operate ang mga restaurant, hotels, barbershop at spa na ang kanilang mga empleyadong fully vaccinated.
Kaya naman aniya hindi pwedeng papasukin ng kalihim ang mga employer na kausapin ang kanyang empleyado na hindi pa vaccinated.
Pinayuhan naman ng kalihim sa mga employer kausapin ang mga manggagawa nito at ipaliwanag na kailangan sila’y fully vaccinated bago pumasok sa trabaho para sila’y makapag-operate kung hindi naman makapasok ang empleyado dahil hindi bakunado doon aniya pumapasok ang ‘no vaccine, no pay’.
Paalala ni Bello, kahit hindi nakakapasok ang employee tuloy pa rin ang status nito bilang empleyado at hindi pwedeng tanggalin pero walang sweldo dahil walang bakuna at hindi ito nakakapasok sa trabaho.