DOLE, nagpulong ngayong araw hinggil sa pagrepaso ng minimum wage sa susunod na taon

Nagpulong ngayong araw ang Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPB) hinggil sa pagrepaso ng minimum wage sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, isang beses lang ang pinapayagang umento sa sahod kada taon at naipatupad na ito noong Hunyo.

Pero maaari aniyang ikonsidera ang dagdag-sahod kung may supervening event tulad ng pagbilis ng inflation rate o ang pagtaas ng bilihin at serbisyo.


Dagdag pa ni Laguesma, mahirap balansehin ang interes ng employers at manggagawa pagdating sa usaping umento sa sahod.

Sa ngayon, dapat aniyang pagtuunan ng pansin kung papaano tuturuan ng dagdag na skills ang mga manggagawa.

Aminado naman ang Trade Union Congress of the Philippines (TUP) na hirap ang mga employers sa dagdag-sahod kaya dapat magbigay ang pamahalaan ng ayuda sa mga sektor na apektado ng inflation.

Facebook Comments