DOLE, nakahandang magbigay ng tulong-pinansyal para suportahan ang mga negosyo sa pagtataas ng kasanayan ng mga manggagawa

 

Nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng tulong-pinansyal para suportahan ang mga negosyo sa pagtataas ng kasanayan ng mga manggagawa at pagpapahusay ng kanilang pangkalahatang kapasidad.

Ito’y sa ilalim ng inilabas ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na Department Order No. 241, Series of 2024, o ang Implementing Guidelines of the DOLE Adjustment Measures Program (DOLE-AMP) for Workers and Enterprises.

Sa ilalim nito, ang isang proponent, gaya ng employer, enterprise, business organization, lehitimong labor organization, o accredited co-partner, ay maaaring magsimula ng isang proyekto.


Ang aplikasyon ay dapat may lagda ng awtorisadong kinatawan ng proponent at ipapadala sa DOLE Regional Office kung saan ipapatupad ang proyekto.

Kung ang panukalang proyekto ay binubuo ng ilang bahagi na ipapatupad sa iba’t ibang rehiyon, ang aplikasyon ay dapat ihain sa DOLE Regional Office.

Kung sakaling ang proyekto ay nahahati sa dalawa o higit pang mga bahagi, dapat munang magsumite ang proponent ng progress at liquidation report batay sa kanilang work and financial plan at sertipikasyon na ito ay naipatutupad ayon sa iskedyul bago ang implementasyon.

Facebook Comments