DOLE, nakahandang tumulong sa mga labor force na maaapektuhan ng umuusbong na industriya ng AI

Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng maapektuhan ang trabaho ng maraming Pilipino dahil sa umuusbong na industriya ng AI o artificial intelligence sa bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na may mga nakahandang hakbang ang pamahalaan para hindi mapag-iwanan ang mga Pilipino sa mga pagbabago sa sektor ng paggawa.

Ayon kay Laguesma, kailangang magkaroon ng mga training para madagdagan ng angkop na skills ang mga Pilipino at makaagapay sa inaasahang demand ng trabaho sa AI industry.


Aniya, malaking tulong din na nasa ilalim na muli ng DOLE ang TESDA, dahil sa mga ilulunsad pang training para makabuo ng mga bagong trabaho.

Para kay Laguesma, isa sa dapat palakasin ng industrya ay ang cybersecurity, lalo sa pamahalaan.

Makikipag-usap nanan ang DOLE sa Civil Service Commission para mabigyan ng pagkakataon ang mga cyber security professional at experts na makapaglingkod sa pamahalaan nang hindi dumaraan sa Civil Service exam, o kahit sa pamamagitan na lang angkop na requirement at eligibility.

Facebook Comments