Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa mahigit 3.5 million na trabaho ang naibigay sa mga Pilipino sa ilalim ng TUPAD o Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage Workers Program ngayong 2023.
Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, malaki ang bilang na ito kung ikukumpara sa nagdaang taon.
Gayunpaman, aminado ang kalihim na pansamantalang trabaho lamang ang hatid ng TUPAD program at hindi isang pang matagalang hanapbuhay.
Dahil dito, gagawa ang ahensya ng iba pang estratehiya para makapagbigay ng permanenteng trabaho sa mga Pilipino.
Sinabi rin ni Laguesma na maraming mga magbubukas na trabaho sa mga Pilipino dahil nagbubunga na ang mga nakuhang investment ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kanyang mga naging byahe sa iba’t ibang bansa.