DOLE, nakapagtala ng mataas na compliance rate pagdating sa pagtalima sa health and safety protocols ng mga kompanya at establisyimento

Umaabot sa 92% ng mga kompanya ang sumusunod sa occupational safety and health standards ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster Usec. Benjo Santos Benavidez na noong una ay kakaunti lamang ang mga kompanyang sumusunod sa health and safety protocols pero kalaunan ang lahat ay tumatalima na.

Ayon kay Benavidez, nakita kasi ng mga may-ari ng kompanya ang kahalagahan ng pagsunod sa safety protocols hindi lamang para sa kanilang mga empleyado maging para sa kanilang mga customer.


Sa ngayon, nakapag-inspect na aniya sila ng higit sa 64,000 na mga kompanya at negosyo na lagpas sa kanilang target.

Matatandaang naglabas ang DOLE at Department of Trade and Industry (DTI) ng Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19 kabilang sa required sa isang establisyimento ay ang pagsusuot ng face masks, face shield, physical distancing ng at least one meter, pagkuha ng body temperature at paglagda sa contact tracing form, disinfection and sanitation routine practices at iba pa.

Facebook Comments