DOLE, nakikipag-ugnayan na sa employers ng OFWs na nasugatan sa pagbagsak ng tulay sa Taiwan

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa employer ng mga Pilipinong nasugatan sa pagbagsak ng malaking tulay sa Nanfang-ao, sa Yilan County, Taiwan.

Layon nito na matiyak na mabibigyan ng ayuda ang limang Pinoy na nasugatan sa insidente.

Kinilala ang limang Pinoy na sina Julio Gimawa, Jason Villaruel, Allan Alcansano, John Vicente Royo at June Flores.


Tiniyak din ng DOLE na patuloy na binabantayan ng kanilang welfare officers sa ospital ang dalawang Pinoy na hindi pa nadi-discharge na sina Royo at Flores.

Facebook Comments