DOLE, nanawagan sa DOH na dagdagan ang sahod ng mga medical worker sa pribadong sektor

Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Health (DOH) na pangunahan ang inisyatibong bumuo ng panukalang batas na layong itaas ang sahod ng mga nurse at iba pang medical frontliners sa pribadong sektor.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, umaapela sila kay Health Secretary Francisco Duque III na hikayatin ang Kongreso na i-angat ang sahod ng private medical workers sa lebel ng sahod na natatanggap ng mga healthcare worker sa public sector.

Iginiit ni Bello na ang mababang sahod sa Pilipinas ang dahilan kung bakit mas nais ng mga nurse at iba pang medical workers na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.


Ang mga nurse ay kadalasang nagtatrabaho para sa 10 hanggang 12 oras kada araw pero binabayaran lamang sila ng nasa 15,000 hanggang 18,000 kada buwan.

Hinimok ni Bello ang private sector medical workers na gamitin ang karapatan para sa patas na sahod.

Sa ilalim ng Salary Standardization Law, ang Nurse 1 sa Salary Grade 11 ay nakatatanggap ng ₱22,316 monthly wage.

Facebook Comments