Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa ng Korean shipbuilder Hanjin Heavy Industries Corporation sa bansa na huwag pumirma ng “voluntary resignation” papers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na kapag ginawa nila ito ay matatanggalan sila ng kanilang rightful benefits tulad ng separation pay.
Patuloy pa ring bineberipika ng Bureau of Local Employment (BLE) ang mga ulat na pwersahang pinag-re-resign ang ilang Hanjin workers.
Ang mga manggagawa ng Hanjin na nawalan ng trabaho ay nai-prayoridad ng gobyerno sa isinagawang jobs caravan sa Subic nitong nakaraang sabado, February 9.
Facebook Comments