Isasagawa sa darating na Enero 31 ang Department of Labor and Employment o DOLE Nationwide Job Fair sa Pangasinan. Ayon sa DOLE Region 1, ang venue ng naturang job fair ay sa Pangasinan PEo Capitol, Complex, Lingayen, Pangasinan.
Layunin Nitong matulungan ang mga Pangasinense na makahanap ng trabaho upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Bukod sa trabaho, magsasagawa rin ng Orientation on Youth Employability, TUPAD Payout, Livelihood Awarding, Kadiwa at Livelihood Fair.
Dahil dito, inaanyayahan ng ahensya ang mga naghahanap ng trabaho na huwag palampasin ang isasagawang job fair. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments