DOLE-NCR, nagbigay ng tulong sa mga apektado ng subway project sa Metro Manila

Nagbigay ng livelihood ang assistance ang Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) para sa mga apektado ng Metro Manila Subway Project (MMSP) ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOLE-NCR, nasa 35 affected persons ang nabigyan ng tulong sa Brgy. Bignay, Valenzuela City.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ay ang mga bigas, food cart, at ibang mga kagamitan na makakatulong sa kanilang kabuhayan na natamaan dahil sa MMSP.


Ang proyektong ito ang kauna-unahang subway project sa bansa kung saan katuwang ng pamahalaan ang Japanese government at JAICA.

Nauna nang sinabi ng DOTr na makikinabang ang mga komyuter sa oras na matapos ang proyekto dahil posibleng aabutin na lamang ng 35 minuto ang biyahe mula Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments