Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga delivery at courier riders ay sakop ng Labor Code of the Philippines o kaya naman ay kontrata o kasunduan sa pagitan ng kanilang digital platform company.
Ang DOLE ay naglabas ng advisory para magtakda ng panuntunan ukol sa work relationships sa delivery service sector.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakadepende ito sa employer-employee relationship.
Ang mga delivery riders na ikinokonsiderang empleyado ng digital platform company at makakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Labor Code.
Pero ang mga itinuturing na independent contractors o freelancers ay dapat nakabatay sa kanilang kontrata o kasunduan sa digital platform company.
Ang employer-employee relationship sa pagitan ng delivery rider at ng digital platform company ay maaaring malaman gamit ang principle ng “primary of facts” sa pamamagitan ng paggamit ng four-fold test, economic reality test, at independent contractor test.
Mahalaga ring ikonsidera ang work flexibility, working time, control through technology, at paggamit ng equipment at iba pa.
Ang mga benepisyo ng mga employed riders ay minimum wage, holiday pay, premium pay, overtime pay, night shift differential, service incentive leave, 13th month pay, separation pay, at retirement pay.
Pasok din sila sa occupational safety and health standards (OSH), kabilang ang Social Security System(SSS), PhilHealth, Pag-IBIG at iba pa.
Ang mga riders ay may karapatan sa security of tenure, self-organization at collective bargaining.
Ang mga rider naman na nasa ilalim ng contract o agreement ay dapat nakakatanggap ng tama at patas na pasahod, hindi mababa sa umiiral na minimum wage rates, may coverage sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.
Mayroon din dapat kasunduan sa local government units (LGUs) kung saan naka-assign ang delivery riders
Ang anumang reklamo o hinaing ng delivery riders o digital platform company ay reresolbahin sa pamamagitan ng conciliation, mediation, inspection, o arbitration.