Nilinaw ng Department of Labor and Employment o DOLE na hindi lahat ng Pinoy na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang maaapektuhan ng “Saudization” o ang polisiya na nagbibigay-prayoridad sa kanilang mamamayan para punuan ang workforce.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi saklaw ng labor scheme ang household service workers dahil walang mga Arabo ang papayag sa ganoong trabaho.
Kung maaari aniya ay nais na nilang pauwiin sa Pilipinas ang apektadong skilled workers lalo at kailangang sila sa build, build, build program ng administrasyong Duterte.
Batay sa Saudization na nakatakdang ipatupad sa September 11, hindi na papayagang magtrabaho ang foreigners kabilang ang mga Pinoy sa sales and retail.
Facebook Comments